Minsan na akong nangarap na maging isang pulis o sundalo.
Mas lalo pang tumindi ang pagnanais ko na maging pulis nung nalaman ko na pulis
pala ang dalawa kong Ninong.
Noong Grade 6 ako, tinanong kami kung ano ang gusto naming
maging. Ilalagay daw ang response namin sa School Yearbook. “To be a soldier,”
ang sinulat ko.
When I was about to enter college, napagtanto ko na
imposibleng magkatotoo ang pangarap kong maging pulis o sundalo. According to
my Ninong, dapat matalino ka sa Chemistry or Trigonometry. Mahina ako sa
Chemistry. That I admit. Noong pinatupad ang Zero-Base sa mga public schools,
bumagsak ako sa isang Grading Period sa Chemistry noong Third Year ako. Hindi
naman sa bobo ako sa mga subjects na ‘yon. Nakakawalang-gana lang talaga makinig
sa guro namin sa Chemistry.
Ang talagang problema kulang ako sa height. 5’3” lang ako,
give or take an inch. Eh may height requirement daw kung ikaw ay papasok bilang
isang pulis o sundalo.
I really don’t know why. Bakit kelangan may katangkaran ang mga
pulis o sundalo? Does it follow na kapag mataas ang height, mataas din ang IQ
mo? Rumarampa rin ba sila tulad ng mga kandidata sa Miss Universe?
Nagtataka rin ko kung bakit requirement din na maganda ang
mga ngipin mo. Ano ba ang gyera ngayon, LIPS-TO-LIPS?
Graduate ako ng Bachelor of Secondary Education major in
Social Studies. Sa dinami-rami ng mga course na available sa college, bakit
Education? Bakit Secondary?
Ano ba ang gusto mong sagot sa una mong tanong? ‘Yong pang-showbiz
slash pang-politika? O ‘yong totoo?




