Saturday, April 27, 2013

Apologia Pro Maestro sa Sekundarya


Minsan na akong nangarap na maging isang pulis o sundalo. Mas lalo pang tumindi ang pagnanais ko na maging pulis nung nalaman ko na pulis pala ang dalawa kong Ninong.

Noong Grade 6 ako, tinanong kami kung ano ang gusto naming maging. Ilalagay daw ang response namin sa School Yearbook. “To be a soldier,” ang sinulat ko.

When I was about to enter college, napagtanto ko na imposibleng magkatotoo ang pangarap kong maging pulis o sundalo. According to my Ninong, dapat matalino ka sa Chemistry or Trigonometry. Mahina ako sa Chemistry. That I admit. Noong pinatupad ang Zero-Base sa mga public schools, bumagsak ako sa isang Grading Period sa Chemistry noong Third Year ako. Hindi naman sa bobo ako sa mga subjects na ‘yon. Nakakawalang-gana lang talaga makinig sa guro namin sa Chemistry.

Ang talagang problema kulang ako sa height. 5’3” lang ako, give or take an inch. Eh may height requirement daw kung ikaw ay papasok bilang isang pulis o sundalo.

I really don’t know why. Bakit kelangan may katangkaran ang mga pulis o sundalo? Does it follow na kapag mataas ang height, mataas din ang IQ mo? Rumarampa rin ba sila tulad ng mga kandidata sa Miss Universe?

Nagtataka rin ko kung bakit requirement din na maganda ang mga ngipin mo. Ano ba ang gyera ngayon, LIPS-TO-LIPS?

Graduate ako ng Bachelor of Secondary Education major in Social Studies. Sa dinami-rami ng mga course na available sa college, bakit Education? Bakit Secondary?

Ano ba ang gusto mong sagot sa una mong tanong? ‘Yong pang-showbiz slash pang-politika? O ‘yong totoo?


Kung pang-showbiz na sagot ang gusto mo, ang dahilan kung bakit nag-Education ako is that I want to touch lives and bring mankind from apathy to responsibility, from darkness to light. Chos!

Pero sa totoo lang, takot talaga akong mamatay kaya nag-Education ako. Gusto kong manood ng mga action movies na may putukan, gyera, at tapunan ng granada. Pero I couldn’t imagine myself na sumasabak sa gyera.

Kung teacher ka, hindi mo mararanasan ang ganoong mga eksena. Maliban na lamang kung ikaw ay isang Mobile Teacher na nadestino sa isang high-risk area. Ok lang sabi nila, may Hazard Pay naman.

Iisa lang marahil ang mortal na kalaban ng mga guro—TB. Pero passé na rin ang TB. Madalas nagkaka-TB ang mga guro noon kasi gumagamit pa sila ng chalk sa pagsusulat. Nalalanghap nila ang chalkdust kasi parating nakabuka ang kanilang mga bibig sa kapapaliwanag o kasisigaw ng mga Algebraic Expressions sila lang naman ang nakakaintindi.

Pero hi-tech na ngayon. Laptop at LCD Projector na ang gamit ng mga guro. Ang problema nga lang, kung magpa-PowerPoint naman, parang ipina-Xerox lang ang buong pahina ng libro at i-pinaste sa slide.

Ngayon bakit Secondary? Pwede namang Elementary o Early Childhood o Special Education?

Gusto ko sa hayskul kasi ang presumption ko, hindi na mahirap pakisamahan at pakiusapan at turuan ang hayskul dahil nasa tamang gulang na.

But I was dead wrong. Mahirap pa lang magturo sa hayskul. Gusto mo ng mag-mura pero hindi mo magawa kasi Verbal Abuse daw. Gusto mo nang manapak pero hindi mo magawa kasi Physical Abuse daw. Gusto mo ng manakot pero hindi mo magawa kasi Psychological Abuse daw.

Malaki nga talaga ang kaibahan ng elementary at hayskul.

Sa elementary, ang turing ng mga estudyante sa teacher nila ay PANGINOON. Lahat ng utos ay sinusunod. Bawat salita ay parang karunungang galing sa Bibliya. Malayo pa lang ay sinasalubong na at nag-uunahan sa pagdala sa gamit ng guro. Nag-aaway kung sino talaga ang naunang inutusan ng guro. Nalulungkot kapag patapos na ang klase. Umiiyak dahil gusto ng mag-Monday at makita si teacher. Lahat ay gustong maging Teacher’s Pet.

Pero sa hayskul, ang turing ng mga estudyante sa teacher nila ay DEMONYO. Lahat ng utos ay sinusuway. Bawat salita ay parang galing sa puwersa ng kadiliman. Malayo pa lang ay umiiwas na sa takot na mautusan. Nagtutulakan kung sino ang talagang inutusan ng guro. Natutuwa kapag tapos na ang klase. Nagdadabog naman kahit paumpisa pa lang ang period. Worse, merong iba na nagmumura sa kanilang upuan. At kapag palapit na ang Monday, nagsasakit-sakitan. Pagdating ng Monday, liliban. Papasok kinabukasan sabay bigay ng medical certificate na kinuha sa kakilalang Doctor.

“Systemic viral infection,” ang madalas na dahilang makikita sa medical certificate. In layman’s term, ano ba ang “systemic viral infection”?

Sa kabutihang palad, tumagal naman ako ng tatlong taon sa pagtuturo sa hayskul. Kahit na nga ganoon ang turing nila sa aming mga guro sa hayskul, mas pipiliin ko pa ring magturo sa hayskul.

Sa elementary kasi, mas makukulit pa ang mga parents kumpara sa kanilang mga anak. 

1 comment:

  1. Hahahahahahaha!

    Will that laughter as my comment suffice? ;)

    ReplyDelete