Saturday, April 20, 2013

Bakit Nga Ba Ako Nag-Resign sa Stella?


Ang Stella Maris Academy of Davao ay ang aking employer sa loob ng tatlong taon. Marahil sa aking pag-resign, ikaw ay natuwa, nalungkot, nanibago, nagulat, natatae, naluha, o naasar. Hindi kita masisisi. We live in the Philippines. Lahat tayo ay may karapatang mag-react sa mga nangyayari sa ating paligid. Pero huwag ka naman mag-react na para bang ang pag-resign ko ay ang paghihiwalay nina Janine at ng kaniyang boyfriend.

If you ask me kung ano talaga ang dahilan ko why I left Stella where I was gainfully employed, o sige pagbibigyan kita at sasagutin ko ang tanong mo. Sasagutin kita dahil hindi para tuparin ang iyong kahilingin o pasayahin ka. Kundi sasagutin ko ang tanong mo dahil hindi lang ikaw ang nagtatanong sa akin ng ganyang tanong. FYI, marami kayo. At para na rin hindi na ako tatanungin pa ulit ng ibang tao.

Batid ko naman na hindi lahat ay may FB at makakabasa nitong blog entry ko. Problema na nila ‘yon. I don’t really know why. Sa panahon ngayon na kahit sa Php 5.00 puwede ka ng magkaroon ng access sa Internet, marami pa rin ang nagtatanong tungkol sa mga bagay na puwede naming i-Google.

Sa susunod na may magtatanong sa’yo kung ano ang ibig sabihin ng salitang “quagmire,” sabihan mo, “i-GMG mo! Google Mo, Gago!”

Huwag niyo akong kastiguhin. Hindi sa akin galing ‘yan. Nakuha ko lang ang GMG kay Lourd de Veyra nung binasa ko ang speech na binigay niya sa graduation ng UP MassComm.

But I’m digressing na. So eto sasagutin ko na ang tanong.


Bakit nga ba ako nag-resign sa Stella?

Kasi Disyembre noong nakaraang taon, may tumawag sa akin. Nagpakilala siyang isang talent scout sa isang sikat na TV network. Sabi pa niya siya raw ang nakadiskubre kina Enchong Dee, Enrique Gil, at iba pang mga sikat na artista ngayon. Tinanong niya sa akin kung gusto ko ba raw sumalang sa isang audition. Meron kasing ginagawa na commercial ang Rexona at kailangan nilang ng isang binata na medyo kamukha raw ni  Zayn Malik ng OneD o ni Amir Khan, iyong isa sa tatlong bida ng Three Idiots at hinirang kamakailan lang ng Time Magazine bilang isa sa 100 Most Influential People ng taong 2012.

Sabi pa nung agent, nang mag-search daw siya sa Google nakita niya ang blog ko. Kinuha niya ang contact number ko at tumawag agad.

How I wish ito ang dahilan. Pero ang problema, hindi eh. Ang totoo talaga niyan, nag-resign ako sa Stella dahil magtratrabaho na ako sa iba. I know may follow-up question ka. Kaya nga ba ayaw kong sagutin ang tanong mo kasi I know one answer leads to another question and to another question and to another question.

Alam ko ang follow-up question mo ay ganito, “Saan ka magtratrabaho?”

Pati ba naman ‘yan ay concern mo pa? Kung sasabihin ko sa’yo na magtratrabaho ako sa isang Multinational Company bilang isang Head ng Corporate Communications Department, maniniwala ka ba? Kung sasabihin ko sa’yo na magtratrabaho ako sa Hotlegs bilang Bouncer, sigurado akong aalma ka.

Pero para na rin matahimik ang iyong kaluluwa, sasagutin ko pa rin ang follow-up question mo. Gusto ko lang liwanagin sa’yo na wala akong hinanakit sa Stella. In fact, lubos akong nagpapasalamat na nakapagturo ako sa paaralang iyon. Hindi lang ‘yan. Sa Stella, I’ve gained a lot of friends and fats. 48 kilos lang ako noong nagsimula ako in 2010. Fresh graduate. Penniless.

Ngayon ay sa kabutihan o kasamaang palad, 65 kilos na ako. ‘Yong dating size 29 ko na mga pants ay nasusuot ko pa naman pero iyon nga, matinding sapilitan pa ang kailangang daanan para lang mapasok ang aking mga binti.

Pero naisip ko. Hindi ko naman talaga tungkulin ang mag-explain at kumbinsehin ka sa desisyon na ginawa, gagawin, o ginagawa ko sa buhay. Tama na siguro na malaman mo ‘yung mga bagay na sini-share ko sa FB o Twitter o blog ko.

At bakit nga ba parang big deal sa iyo na aalis ako sa Stella. Batid ko namang maganda ang Stella. Maraming mga sikat ang nag-aral doon. Pero kung maganda ang isa paaralan, ibig sabihin ba niyan na dapat kang manatili dito habambuhay?

Pero kung hindi ka pa kuntento sa sinabi ko, at gusto mo talagang malaman kung bakit ako umalis, handa naman akong pagbigyan ka. Basta ba ilibre mo ako ng isang bucket ng ice-cold SanMig Light sa Business Class.

4 comments:

  1. Hahaha! You're so crazy. Sa Bisaya pa, BUANG KA! Hahaha! Nice post, Vin. Nalingaw ko'g basa. Everyone has his/her reasons why he/she leaves. I know there are more reasons beyond what you've written here. You have your reservations. Enjoy life! Enjoy law! Haha!

    ReplyDelete
  2. I take it from you Rhudz. Hehehehe Ikaw ra ba nauna sa amoa ug hawa. Thanks kay nalingaw ka. I really have no intention of making so public my reasons. It's like washing dirty linens in public.

    ReplyDelete
  3. Wanna correct you on something, pero ayaw na lang. I think you know what I mean. Hahaha. I think it's much better put this way, kesa sa sige ka explain to everyone. Besides, at least it's like your washing dirty linens in public, not undergarments. Yes, corny. Don't laugh. :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha... tama. diay. mali. i know you know that i know what you mean. hahaha

      Delete