Friday, May 17, 2013

Para Kay Nancy B.

Source: philstar.com
Ma'am Nancy,

Congratualations po sa inyong pagkapanalo. Hindi biro ang inyong dinaanan maabot lang ang posisyon mo ngayon.

Maraming pangungutya ang binato sa inyo. Una, pinuna ang inyong pagiging inexperienced sa larangan ng pulitika. Kahit ikaw ay nag-OJT na nang higit 20 years sa inyong ama at ina, hindi pa rin sila kuntento. Pakitanong nga sa kanila, Ma'am Nancy, ano ba ang gusto nilang experience? Kung ako sa inyo, hayaan niyo na lang sila. Huwag mo na lang pansinin si Vice Ganda kahit nilait niya ang OJT-experience mo.

Pangalawa, pinuna ang hindi niyo po pagdalo sa mga debate and election forum. Sa katunayan, hanga po ako sa pagiging organized ninyo. Sabi niyo po the reason na hindi kayo nakakadalo sa mga debate ay plantsado na kasi ang schedule mo at hindi mo na maisingit ang kaliwa't kanang debate. In terms of time management, fan niyo po ako.

Pangatlo, hindi rin pinalagpas ang inyong kulay. Huwag niyo na rin pong pansinin sila. Hindi po kayo nag-iisa. Ako man din ay nakaranas ng pangungutya dahil sa unfair ko na skin complexion. At bakit, kelan ba naging paputian ang pulitika? Marami namang maiitim ngunit magagaling namang mga lider. I need not mention Barack Obama and Nelson Mandela.

Talagang you cannot please everybody Ma'am Nancy. Pero sa tingin ko po dapat niyong i-please ang higit na 16 Million Filipinos na bumoto sa inyo. Wala rin po kayong dapat patunayan sa mga namimintas sa inyo. Pero sa tingin ko rin po meron kayong dapat patunayan sa bayan.

Iniluklok po kayo sa Senado ng mga tao sa paniniwalang kayo'y makakabuti sa bayan. Whether it's an unfounded belief or not is another matter. Patunayan niyo po sa kanila na you can use your 20-year OJT and craft laws, laws that can really effect some real change in society.

Meron po kayong six years para gawin iyon. At habang nandiyan pa po kayo sa puwesto, enjoy your stay. Ninais niyo po yan.

Lubos na gumagalang,

Ang Inyong No. 1 Fan

No comments:

Post a Comment