Saturday, May 11, 2013

5 Tips na Dapat Dibdibin ng mga Voters Ngayong 2013 Elections

Kapag election dito sa Pilipinas, feeling empowered tayong mga Pinoy. Sino ba naman ang hindi makakaramdam nang ganun. Ang election kasi ang great equalizer. One man, one vote. Bata o matanda, mayaman o mahirap, kapag qualified ka, iisa lang ang boto mo. Lahat pantay-pantay. Sy o Ayala o hindi man ang apelyido mo, pare-pareho lang tayo.

Pero isa itong malaking kalokohan. Sa theory lang ito totoo. Hindi ito ang nangyayari sa reality. Tayo kasi parang isang dalagang virgin na sinusuyo ng mga kandidato. Ito namang mga kandidato ginagawa ang lahat, makamit lang ang matamis nating boto. Kapag nakuha na tayo, mawawala na lang parang bula.

Pero paano ba kumilos nang tama tuwing election nang hindi tayo madaling malamangan ng mga kandidato? Mayroon akong limang mungkahi:

1. Sell your vote to the highest bidder.

Hindi araw-araw may election. Every three years lang. Kaya samantalahin muna ang pagkakataon. Balita ko sa taas ng inflation rate ngayon, inaadjust na rin ng mga kandidato ang presyo ng boto natin. Sa ibang lugar, umaabot pa ng 3,500 ang bilihin. Kung mayroon namang bibili, ibenta mo na.

2. Gawing Picaso o Mulawin ang survey results.

Ang Picaso o Mulawin ay guide ng mga tumataya sa sugal na "Last 2." Dahil busy tayo at walang panahon na makinig sa mga debate, o basahin ang mga platapormang nirecycle lang naman nila sa nakaraang election, iboto mo na lang yong pasok sa Magic 12 ng mga survey. Oo, iboto mo na rin kahit yong mga nag-OJT lang sa kanilang mga magulang. Basta pasok sa mga survey, choks na yon.

3. Forgive and forget.

Kung si Kristo nga pinapatawad yong mga makasalanan, ikaw pa? Oo nga naman. Merong mga tumatakbo ngayon na minsan ng nasangkot sa pandaraya. Huwag mo nang ipamukha sa kaniya na nagkasala siya. Forgive and forget na. Boto mo na rin siya. Perfect attendance naman siya. Hindi pa ba sapat na parusa ang hindi pagliban sa trabaho?

4.  Huwag seryosohin ang tatlong nauna.

5. Kapag sineryoso mo, kanya-kanya na tayo. Bahala ka sa buhay mo.

2 comments:

  1. Hahahaha! OJT! Perfect attendance! =)))

    ReplyDelete